Embassy ng Norway, kinilala ang kalidad ng Filipino labor force

Embassy ng Norway, kinilala ang kalidad ng Filipino labor force

KINILALA ng Embassy ng Norway ang kalidad ng Filipino labor force o ang mga manggagawang Pinoy.

Ito ang napag-usapan nina Norwegian Ambassador Christian Halaas Lyster sa kanyang pagcourtesy call kay Vice President Sara Duterte.

Ipinaabot ni Ambassador Lyster kay Vice President Duterte ang paghanga sa mga manggagawang Pinoy lalo na sa mga seafarers na bumubuo ng malaking bilang sa maritime industry ng Norway.

Napag-usapan din nila ang mga development agenda tulad ng renewable energy, peace and security, at education.

Ngayong Marso, ang Norway at Pilipinas ay magdiriwang ng ika-75 na anibersaryo ng diplomatic relations.

Follow SMNI NEWS in Twitter