NAMAHAGI ang Las Piñas City ng emergency supplies at equipment sa kanilang 20 nasasakupang mga barangay.
600 modular tents at 20 base radio units ang naibigay nitong Biyernes, Enero 6.
Ayon kay Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar, nakakatulong ito para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga residente lalong-lalo na kung may kalamidad.
Malaking tulong din aniya ito sa Las Piñas Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO).