BINIGYAN ng Department of the Interior and Local Government-National Capital Region (DILG-NCR) ng 2022 Subaybayani Special Award ang Las Piñas City.
Ito’y dahil sa magandang performance at resulta ng kanilang ginagawang infrastructure projects sa lungsod.
Ang Las Piñas City ang natatanging lungsod sa NCR na ginawaran ng naturang award.
Mismong si Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar ang tumanggap ng kanilang parangal.
