Estados Unidos, hinarang ang panukalang ceasefire sa Gaza

Estados Unidos, hinarang ang panukalang ceasefire sa Gaza

HINARANG ng Estados Unidos ang panukala ng United Nations na nananawagan ng agarang ceasefire o tigil-putukan sa Gaza.

Vineto ng Amerika ang draft resolution na inihain ng sampung halal na miyembro ng UN Security Council.

Suportado ito ng labing apat sa labing limang miyembro ng konseho, pero hindi ito naipasa dahil sa veto power ng U.S.

Bilang isa sa limang permanenteng miyembro ng Security Council, may kapangyarihan ang U.S. na tuluyang harangin ang anumang resolusyon gamit ang boto nito.

5 Permanent UNSC Members

United States

Russia

China

United Kingdom

France

Kung naipasa sana ang panukala, magkakaroon ng agarang, walang-kundisyong, at permanenteng ceasefire sa Gaza na dapat sundin ng lahat ng panig.

Nakasaad din sa UN resolution ang panawagan para sa agarang pagpapalaya sa lahat ng bihag na hawak ng Hamas at iba pang grupo, gayundin ang pag-alis ng lahat ng hadlang sa pagpasok at pamamahagi ng humanitarian aid sa Gaza.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter