Estados Unidos, nagsagawa ng panibagong airstrike sa Yemen

Estados Unidos, nagsagawa ng panibagong airstrike sa Yemen

NAGSAGAWA ng panibagong airstrike ang Estados Unidos sa Houthi rebels ng Yemen nitong Pebrero 8, 2024.

Sa nabanggit na airstrike ay nasira ng American force ang apat na drone boat na puno ng explosive device at pitong anti-ship cruise missile launchers na maaaring ginagamit ng Houthis sa kanilang mga pag-atake sa Red Sea.

Matatandaang simula Nobyembre 2023 ay inaatake na ng Houthis ang mga sasakyang pandagat na dumadaan sa Red Sea.

Dahil dito ay inaatake na rin ng Estados Unidos at United Kingdom ang Houthis.

Anila, sanhi ng banta sa lahat ng mga dumadaan na sasakyang pandagat sa Red Sea ang nabanggit na militanteng grupo ng Yemen.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble