KINIKUWESTYON ni Senator Imee Marcos ang panahon o ‘timing’ ng paglalabas ng issue tungkol sa P203-billion estate tax liability ng kanyang pamilya.
Ayon kay Imee, ang mga akusasyon na ito ay bahagi lamang ng pagsisikap ng mga kandidato na siraan si presidential candidate at former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa darating na eleksyon.
Dagdag pa ni Marcos, sawang-sawa na ang mga tao at wala na itong epekto dahil paulit-ulit nila itong inuungkat.
Ani Imee, ito ay isang bulok na taktika ng mga politiko.
Samantala, sinabi ng mga Marcos na wala pa sa kanila ang kopya ng sinasabing demand letter ng Bureau of Internal Revenue (BIR).