Partido ni Isko Moreno, nanghihingi ng orihinal na kopya ng demand letter sa utang sa buwis ng mga Marcos

Partido ni Isko Moreno, nanghihingi ng orihinal na kopya ng demand letter sa utang sa buwis ng mga Marcos

HUMIHINGI ang Aksyon Demokratiko ng orihinal na kopya ng written demand ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pamilya ng mga Marcos tungkol sa hindi nito bayad na buwis.

Sinabi ni party chair Ernest Ramel na gumagawa na sila ng sulat sa BIR upang hingin ang pruweba ng sulat ng ahensya na sinisingil nito ang pamilya ng yumaong si Ferdinand Marcos sa estate taxes nito na lumobo na sa higit 203 bilyong piso.

Dagdag ni Ramel, sigurado ito na maging ang publiko ay nais na makita ang sulat na ipinadala ng BIR sa mga Marcos at kung ano ang nakalahad dito.

Matatandaan na noong Disyembre 2 ng nakaraang taon nang magpadala ang BIR ng sulat sa mga tagapagmana ng yumao na Marcos kung saan sinisingil ang mga ito sa kanilang tax liabilities.

Sinabi rin ng Department of Finance na singilin ang nasabing pera sa mga Marcos upang madagdagan ang pondo ng pamahalaan.

Utang ng namayapang Marcos, maling singilin sa dating first family

Binigyang diin ng isang eksperto na maling-mali na singilin ang utang ng namayapang dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa dating first family.

Sa panayam kay Atty. Ferdinand Topacio, isang law expert, sinabi nito na estate tax ang sinisingil at tax for the privilege of inheriting property ang tinutukoy dito.

Mababatid na lumabas ang natukoy na isyu matapos igiit ng Aksyon Demokratiko- ang partido ni presidential candidate Isko Moreno na bayaran ng pamilya Marcos ang kanilang utang sa buwis.

Inayunan naman ni Topacio ang paliwanag ng political analyst na si Prof. Antonio Contreras na lalabas na mayorya ng ari-arian ng mga Marcos ay hindi ill-gotten.

Dagdag pa ni Atty. Topacio na nagkaroon ang gobyerno ng tax amnesty noong 2017.

Sa ilalim nito, ang ‘estate tax’ ng mga namatay bago ang December 31, 2017 ay wala nang penalty.

Kaya kalabisan raw na singilin ng P203 billion ang pamilya Marcos.

Nauna namang sinabi ni presidential aspirant Bongbong Marcos Jr., na maraming fake news umanong ikinakalat tungkol sa sinasabing ill-gotten wealth ng kanilang pamilya.

Diin pa ni BBM, walang alam sa kaso ang mga kalaban niya ngayon sa pulitika.

Follow SMNI News on Twitter