ISANG Pilipinong estudyante ang napili na mapabilang sa top ten ‘Seeds for the Future Global Ambassador’ ng Huawei.
Si Jeziel Aijeleth Ramos ay isang Pilipinong estudyante na napabilang sa top ten ‘Seeds for the Future Global Ambassador’ ng Huawei.
Layon ng programang ‘Seeds for the Future’ ng Huawei na mag-develop ng ICT talent, palawakin ang kaalaman sa teknolohiya at palalimin pa ang interes ng mga nakikilahok dito para makapagtatag ng digital community.
Ayon kay Ramos, ang pagiging ambassador ng nasabing programa ay hindi madali dahil kinakailangan nitong makipag-kompetensiya sa daan-daang estudyanteng Pilipino.
Ang programa ay inilunsad taong 2008 at nagsilbing tulay sa pagitan ng mga kompanya at mga kolehiyo at naglalayong magtatag ng talent ecosystem para sa ICT industry.
Ayon kay Ramos, ang programa ay nakakatulong upang mas lumawak ang kaniyang kaalaman sa artificial intelligence, 5G at cloud computing.
Matatandaan na ang Huawei ay nakipag-kasundo sa 70 unibersidad sa Pilipinas at nagtatag ng mga ICT academy roon.