PUMIRMA ng kasunduan sa pagkakaroon ng open communications network ang Japan at Estados Unidos para tapatan ang lumalakas na pwersa ng China sa rehiyon.
Sa memorandum, magkakaroon ng open radio access network technology na nagpapalakas sa interoperability sa pagitan ng mga equipment sa cellular wireless networks.
Sa ilalim ng kasunduan, ang dalawang bansa ay magbibigayan ng datos at magkakaroon ng kooperasyon sa pagpapalawak ng teknolohiya sa buong mundo.
Sa pamamagitan ng open ran, bababa ang economic security issues para sa mga bansa gaya ng Japan na mayroong mga dayuhang kumpanya gaya ng Huawei Technologies Co. ng China.
Kinumpirma naman ni Internal Affairs and Communications Minister Takeaki Matsumoto ang layunin ng dalawang bansa na magkaroon ng malakas na network at pumirma ng memorandum of cooperation kasama ang US National Telecommunications and Information Administration. open communications