Ethics Committee ng Senado, may bagong rules para sa mga reklamo vs senators

Ethics Committee ng Senado, may bagong rules para sa mga reklamo vs senators

PORMAL nang ipinatupad ng Senate Committee on Ethics and Privileges ang mga bagong patakaran kung papaano tratuhin ang mga mga reklamong isinampa laban sa mga senador.

Matapos ang organizational meeting at pag-apruba sa bagong patakaran ay sinabi ni PORMAL nang ipinatupad ng Senate Committee on Ethics and Privileges ang mga bagong patakaran kung papaano tratuhin ang mga… na kabilang na sa rules ang isang “conciliation process”.

“This will allow senators involved in an ethics complaint to meet and resolve issues privately, in the presence of the committee chair and its members,” ayon kay Sen. Tolentino.

Ayon kay Tolentino, ito ang kauna-unahang pagkakataon na may conciliation rules.

Mahalaga aniya ito dahil sa kung madadaan naman sa magandang usapan o areglo ang reklamo ay hindi na kailangan pa itong isalang sa pagdinig.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang dalawang kaso na nakahain sa komite.

Una ay ang sulat mula kay Senador Raffy Tulfo na nanghiihngi ng opinyon kung maaari ba itong mag endurso ng mga produkto.

At ang pangalawa naman ay ang Ethics complaint na inihain ni Senador nancy Binay Laban kay Senador Alan Peter Cayetano.

“Positive naman ako na magkakaayos sila (Binay at Cayetano) dahil mararangal na  tao naman  ang mga kausap  ko, at naiintindihan  nila ang kahalagahan ng pag uusap,” dagdag nito.

Sa Senado, ang Ethics Committee ang may mandato na pangalagaan ang mga isyu na may kinalaman sa ugali, karapatan, pribileheyo, kaligtasan, dignidad, integridad at reputasyon ng senado at ang mga miyembro nito.

Matatandaan na una nang nagkasagutan at nagkabastusan si Senador Nancy Binay at Senador Alan Peter Cayetano sa gitna ng pagdinig ng senado kaugnay sa umano’y lumulobong budget para sa New Senate Building.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble