MULING dinagdagan ng Etihad Airways ang ruta nito kung saan mayroon na ngang direct flights mula Abu Dhabi patungong Beijing.
Simula ngayong araw ay ibinalik na ang direct passenger flights sa pagitan ng Abu Dhabi at Beijing.
Ang airline ay mag-ooperate bawat linggo gamit ang Boeing 787 Dreamliner, isa sa fuel efficient aircraft sa mundo.
Huling nagkaroon ng serbisyo ang Etihad Airways mula Abu Dhabi patungong Shanghai noong Hulyo 2020 upang tugunan ang maraming bilang ng pasahero sa UAE at China.
Maaari namang tumawag sa Etihad Airways Contact Center sa +971600555666 sa UAE at +86 400 8822 050 naman sa Mainland China para sa booking ng mga flight rito.
Matatandaan na ang China at isa sa strategic market ng Etihad at pagbabalik ng direct flights sa dalawang syudad ay inaasahang magpapalakas sa ugnayan sa pagitan ng China at UAE.