Evacuation ng mga Pinoy sa Sudan, sisimulan na sa loob ng 24 oras—DFA

Evacuation ng mga Pinoy sa Sudan, sisimulan na sa loob ng 24 oras—DFA

SISIMULAN na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang evacuation ng mga Pilipino na nasa Sudan sa loob ng 24 oras.

Ang evacuation sa pamamagitan ng land travel papuntang Egypt o water travel sa pamamagitan ng Port of Sudan.

Sa tala, umabot na sa halos 700 (696) ang naitalang Pilipino sa Sudan.

156 dito ay may travel documents na at handa nang ilikas anumang oras.

Sa pinakahuling update ng DFA, 3 Pinoy na ang nailikas mula Khartoum, Sudan papuntang Jeddah.

Ang mga Pilipino na ito ay nagtatrabaho bilang airline workers sa Saudi Arabia ngunit naipit lang ito sa Sudan.

Follow SMNI NEWS in Twitter