POSIBLENG maglunsad pa rin ang National Anti-Corruption Commission ng imbestigasyon sa koneksyon sa former chairman ng Anti Money Laundering Office (AMLO) at umano’y triad boss sa kabila ng pagbibitiw nito sa pwesto.
Noong Lunes ay nagbitiw sa pwesto si Police Major General Piyapan Pingmuang mula sa AMLO dahil sa problema umano sa kalusugan.
Ayon kay Deputy Prime Minister Wissanu Krea-Ngam, kapag nakaabot na ang resignation letter sa kanya, ang susunod na hakbang ay maghahanap na ng kapalit nito.
Pero ayon sa Deputy Prime Minister, posibleng maglunsad pa rin ng imbestigasyon ukol dito sa kabila ng pagbibitiw nito.
Nabigo umano ang AMLO na suriin ang money trail ng Chinese Triads sa bansa sa kabila ng request ng Metropolitan Police Bureau.