Ex-Lakers player Dwight Howard, maglalaro para sa Strong Group ng Pilipinas

Ex-Lakers player Dwight Howard, maglalaro para sa Strong Group ng Pilipinas

NAKATAKDANG maglaro para sa Strong Group, isang basketball team ng Pilipinas ang dating Los Angeles Lakers Center na si Dwight Howard.

Kinumpirma ito mismo ni Strong Group head coach Charles Tiu.

Ibig sabihin, kasama si Howard sa bubuo ng Team Pilipinas para sa gaganaping 2024 Dubai International Basketball Championships.

Makakasama ni Howard sa Team Pilipinas ang naturalized player na si Andray Blatche at dating Oklahoma City thunder guard na si Andre Roberson.

Huling naglaro si Howard sa NBA noong 2021-2022 season kung saan may average itong 6.5 points at 5.9 rebounds.

Follow SMNI NEWS on Twitter