ITINATALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., si Retired PNP Major Gen. Eliseo D.C. Cruz bilang Assistant Secretary ng DOJ.
Si Asec. Cruz, ay isang PMA Philippine Military Academy at nagsilbi sa Philippine National Police (PNP) sa loob ng 37 taon.
Ito ang nanguna sa imbestigasyon ng 6.7 B drug haul sa Maynila noong mga nakaraang taon.
Welcome naman kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla ang appointment ni Cruz.
Gayundin ang appointment ni Dating Court of Appeals Associate Justice bilang Commissioner ng Presidential Commission on Good Government.
Ayon kay Remulla, ang mga ito ang bagong mukha at bagong pagasa ng Pilipinas.
Aniya sa kabila ng maraming pagsubok ang darating sa kanilang panunungkulan dapat aniya mapanatili nila sa kanila ang hangarin na pagsilbihan ang taumbayan.
“The road ahead will be very challenging but let us keep the burning passion in our hearts to selflessly serve our countrymen, fresh faces for a Bagong Pilipinas!” ayon kay Sec. Remulla.
Inaasahan din nito na mayroon silang iisang hangarin para sa pagpapaunlad ng justice system sa bansa.
Aniya ang kanilang karanasan sa dati nilang trabaho ay tiyak na makakatulong para sa makabuluhang reporma sa ahensya.
“I look forward to working with you with a shared vision of advancing justice in our land. Your extensive experience in your own fields will undoubtedly bring meaningful reforms to this Department,” saad nito.