Executive order na magpapababa sa taripa ng imported na bigas, kinuwestyon sa Korte Suprema

Executive order na magpapababa sa taripa ng imported na bigas, kinuwestyon sa Korte Suprema

PORMAL ng inihain o isinumite sa Korte Suprema ang Petition for Certiorari and Prohibition na humihiling na magpalabas ng Temporary Restraining Order para maharang ang pagpapatupad ng pinababang taripa sa mga imported na bigas.

Sinabi o naniniwala si SINAG Chairman Rosendo So na ilegal ang executive order 62 dahil hindi umano ito dumaan sa konsultasyon.

Nakasaad aniya sa naturang kautusan na mula sa 35% ay tatapyasan ng 15% ang taripa sa imported rice na naglalayong mapababa ang presyo sa merkado.

Naniniwala ang grupo na hindi maibababa ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng naturang hakbang ng gobyerno dahil ang ibang bansa pa rin ang magdedesisyon na itaas ang presyo ng kanilang export.

Nabatid na sakaling hindi maglabas ang Korte Suprema ng TRO laban sa pinababang taripa ng imported rice ay magkakabisa ang naturang Executive Order sa July 7.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble