Exercise Carabaroo sa pagitan ng Pilipinas at Australia, matagumpay na nagtapos

Exercise Carabaroo sa pagitan ng Pilipinas at Australia, matagumpay na nagtapos

OPISYAL nang nagtapos ang Exercise Carabaroo sa pagitan ng Pilipinas at Australia nitong buwan ng Setyembre.

Ang tatlong linggong pagsasanay ay ginawa para sa pagpapalakas ng multination combined arms teams na ginanap sa 1st Combat Engineer Regiment Headquarters, Robertson Barracks, Darwin, Northern Territory, Australia.

Natutunan din ng dalawang bansa ang ilang bilateral exercise partikular na sa mga operasyon nito sa urban, littoral combined arms maneuvers sa isang large-scale force-on-force environment.

Nasa 138 na tropa ng Philippine Army’s 1st Brigade Combat Team, First Scout Ranger Regiment, at Special Forces Regiment (Airborne) ang lumahok sa nasabing pagsasanay kasama ang ilang kinatawan ng Australian Army.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble