FA-50 Fighter Jet ng PH Air Force, lalahok sa Pitch Black Military Exercise sa Australia

FA-50 Fighter Jet ng PH Air Force, lalahok sa Pitch Black Military Exercise sa Australia

DUMATING na sa Darwin, Australia ang unang batch ng Philippine Air Force (PAF) na lalahok sa prestihiyosong Pitch Black Military Exercise 2024.

Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, inihatid ng Royal Australian Air Force ang Philippine contingent sakay ng KC-30 aircraft.

Ang Pitch Black 2024 ay ang pinakamalaking Australian at International military exercise kung saan, tampok ngayong taon ang paglahok ng nasa 20 bansa kabilang na ang Pilipinas.

Naniniwala ang bansa na sa pamamagitan ng nasabing aktibidad ay muling mapapalawak ng mga Pilipinong sundalo ang kanilang kalinangan at husay sa larangan ng operational capabilities, pagpapalakas sa international partnerships pagtugon sa mga kinakailangang tulong at suporta sa seguridad ng mga karatig bansa sa rehiyon.

Masasaksihan din dito ang paglahok ng mga FA-50 fighter jet ng Air Force na siyang kauna-unahan para sa Pilipinas sa paglahok nito sa isang international exercise

Magsisimula ito sa Hulyo 12 at tatagal ng 3 linggo o hanggang Agosto 2 na kapapalooban ng wide range tactical flying at large scale operational collective training activities kung saan target dito ang mahusay na Offensive Counter Air and Air Interdiction operations sa mga posibilidad na banta sa seguridad mula sa iba’t ibang bansa.

Inaasahan namang darating ang main contingent sa Darwin, Australia anumang araw ngayong linggo o ilang araw bago magsimula ang mismong pagsasanay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble