Facebook, sinuspinde ang account ni Atty. Vic Rodriguez

Facebook, sinuspinde ang account ni Atty. Vic Rodriguez

SINUSPINDE ng Facebook ang account ng chief of staff at tagapagsalita ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na si Atty. Vic Rodriguez.

Sa isang pahayag, sinabi ni Rodriguez na sinuspinde ng FB/Meta ang kanyang account dahil para siya kay Marcos.

Binigyan-diin din ni Rodriguez na hindi siya kailanman nag-post tungkol sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang kanyang mga post ay pawang mga opisyal na pahayag at larawan ng kampanya ni BBM.

Follow SMNI NEWS in Twitter