Farm gate price ng manok, tuluy-tuloy ang pagtaas kahit tapos na ang Pasko, Bagong Taon –UBRA

Farm gate price ng manok, tuluy-tuloy ang pagtaas kahit tapos na ang Pasko, Bagong Taon –UBRA

BIHIRA lang nangyayari ayon sa United Broiler Raisers Association (UBRA) na patuloy na mataas ang farm gate price ng mga manok sa kasalukuyan.

Sa panayam ng SMNI News kay UBRA President Atty. Elias Inciong, posibleng may problema kung bakit nangyayari ito.

Aniya, ang madalas na nangyayari, pagkatapos ng Pasko at pagdiriwang ng Bagong Taon ay bababa na ang farm gate price ng manok.

Batay sa kasalukuyang price monitoring ng Department of Agriculture, hanggang January 3, 2023, nasa P180-220 ang presyo ng manok sa pamilihan.

Sa kabila nito ay sinabi ni Atty. Inciong na pagbibigyan muna ng hanggang 2 linggo ang isyung ito bago pa aksyunan.

Umaasa rin si Atty. Inciong na dahil lang ito sa mataas na demand at hindi kakulangan ng suplay.

Follow SMNI NEWS in Twitter