OPISYAL nang naiturnover ng Department of Agriculture (DA) ang P510.96 million farm-to-market road sa local government ng Ifugao.
Ang nasabing farm-to-market road ay malaking benepisyo sa mahigit kumulang 720 sa kabahayan na nasa 10 barangay sa munisipalidad ng Banaue.
Ngayong opisyal na itong na iturnover sa LGU ng Ifugao, naatasan ito na siguraduhin ang pagpapanatili ng accessibility ng kalsada sa lahat ng panahon.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Ifugao Governor Jerry U. Dalipog sa Department of Agriculture-Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) dahil aniya malaking tulong ito sa mga mamamayan ng Ifugao.
Sa ngayon nasa 16 na ang nakompletong proyekto sa ilalim ng DA-PRDP sa probinsya ng Ifugao.