BINIGYAN ng award ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) Parangal ng Sining ang ilang malalaking pangalan sa showbiz industry.
Sa aktibidad nito noong April 23, nakuha ni Dolly de Leon, Soliman Cruz at filmmaker na si Martika Escobar ang Annual Achievement Award.
Dahil ito sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa local film industry.
Maliban pa sa kanila, sina Vilma Santos, Nick Deocampo, Lily Monterverde at Cinemalaya ay binigyan naman ng Lifetime Achievement Awards.
Lubos ang pasasalamat ng bawat isa sa kanila dahil kinilala ng FDCP ang inialay nilang talento para sa bansa.