HINDI na Pilipinas ang dadalhing bansa ni Maxine Esteban sa kaniyang paglalaro sa 2024 Paris Olympics.
Si Esteban ay magiging naturalized player sa Ivory Coast, isang bansa sa West Africa.
Kilala ang atleta bilang highest-ranked Filipino fencer.
Ayon kay Philippine Fencing Association (PFA) President Richard Gomez, nirerespeto ng bansa ang pagpapalit ni Esteban sa kaniyang nationality.
Hiningi na rin nila sa International Fencing Federation (FIE) na alisin na ang tatlong taong residency rule kay Esteban upang makapaglaro sa Paris Olympics.
Maliban sa PFA, hinihingi rin ng atleta na aprubahan na rin ng Philippine Olympic Committee ang kaniyang paglipat.