POSIBLENG makakalaban ni Samantha Catantan ang dating teammate nito na si Maxine Esteban sa 2024 Paris Olympics.
Sa listahan ng female fencers na kwalipikado sa individual foil ay magkalapit lang ang dalawa.
Ayon kay Catantan, walang magagawa kung magkataon na sila ang pagtambalin at bagamat, hindi aniya ninanais na makalaban si Esteban ay bukas naman ito sa posibilidad.
Kung matatandaan, irerepresenta ni Rsteban ang Ivory Coast sa Paris Games.
Sa paglilinaw ng Pinay-Ivorian fencer, biglaan lang syang tinanggal sa listahan ng mga national athlete ng Pilipinas habang nagpapagaling mula sa natamong injury.
Para sa fencer, nainsulto sya dahil dito lalo na’t ang natamo pa ng injury ay dahil sa pagrepresenta ng Pilipinas sa isang world championship noong July 2023.
Ang malala ay hindi pa ito agad ipinaalam sa kanya dahil wala syang natanggap na written o face-to-face notice.
Ito na ang dahilan kung bakit nagpalit ng nationality si Maxine Esteban.