Pinoy fencers, handa na sa qualifiers ng Olympics sa Paris 2024

Pinoy fencers, handa na sa qualifiers ng Olympics sa Paris 2024

MALAKI ang posibilidad ng mga Pinoy fencers na sina Samantha Catantan at Noelito Jose na makapasok sa 2024 Paris Olympics.

Ayon kay Barcelona Olympics Veteran Walter Torres, tiwala siya na handa ang dalawa, lalo na si Catantan na halos nakapasok na sa Tokyo Olympics tatlong taon na ang nakalipas.

Kahit na bumalik mula sa ACL surgery, nagpakita si Catantan ng magandang performance kamakailan sa US NCAA Fencing Championship.

Si Jose naman ay nagpapakita rin ng galing sa mga international competitions, kasama na ang world cup at grand prix.

Patuloy ang PSC na sumusuporta sa kanilang mga atleta, at umaasa na sila’y makakapasok sa olympics.

Lalahok ang Pinoy fencers sa Fujairah, United Arab Emirates para sa Asian Olympic qualifying Tournament (AOT) na gaganapin ngayong April 27-28, 2024.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter