NAPAGKASUNDUAN na sa Qatar isasagawa ang magiging FIBA World Cup 2027.
Sinabi ng FIBA Central Board, bagay ang Doha na maging susunod na host dahil sa pagkakaroon ng mga direct flight sa mga bansang sasali sa World Cup.
Upgraded din ang subway at train system nito maging ang mga pasilidad ay ginawa sa pamamagitan ng green technologies.
Samantala, ang FIBA Women’s World Cup 2026 ay gaganapin sa Germany.