FIFA Women’s World Cup Trophy Tour, darating na sa Pilipinas

FIFA Women’s World Cup Trophy Tour, darating na sa Pilipinas

HANDANG-handa na ang Pilipinas para tanggapin ang FIFA Women’s World Cup Trophy.

Ayon kay Philippine Football Federation President Nonong Araneta, magsisimula ang public event sa Marso 1 na gaganapin sa Glorietta Activity Center ng Makati City.

Ang Pilipinas ang siyang magiging pangatlong lugar kung saan dadalhin ang nasabing tropeo.

Nagsimula ang FIFA Women’s World Cup Trophy Tour sa bansang Japan at Korea kung saan tinatangkilik at dinadayo ito ng mga football fans.

Inaasahan naman ni Araneta na ang paparating na trophy tour sa bansa ay magbibigay inspirasyon sa lahat ng tumatangkilik sa naturang sport.

Samantala, hinimok naman ni Araneta ang lahat na makiisa at dumalo sa nasabing selebrasyon.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter