MATAGUMPAY na nakapasok sa puwesto si 17 year old Filipino-Canadian Tyson Venegas sa top 12 ng American Idol Season 21.
Dahil sa kaniyang naging performance sa kanta nitong “Don’t let the sun go down on me” ni Elton John ay agad na napahanga nito ang mga judges.
Nakakuha naman si Venegas ng standing ovation mula sa mga beteranong mang-aawit na mga judges na sina Lionel Richie, Katy Perry, at Luke Bryan.
Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post ay inihayag ni Venegas ang kaniyang pasasalamat lalong-lalo na sa kaniyang mga fans dahil sa suportang ibinahagi ng mga ito.
Si Venegas ay hindi estranghero sa mga singing competitions dahil naging kalahok din ito sa “The Voice Teens Philippines” noong 2020, kung saan siya ay nasa ilalim ng pangkat ng mang-aawit na Black Eyed Peas na Apl.de.ap.