Ronnie Liang, itinuring na isang karangalan ang makasama sa “Konsyerto sa Palasyo”

Ronnie Liang, itinuring na isang karangalan ang makasama sa “Konsyerto sa Palasyo”

IPINABATID ng actor na si Ronnie Liang ang kaniyang kasiyahan na nakasama ito sa “Konsyerto sa Palasyo: Awit ng Magiting” sa Malacañang.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Liang na isang karangalan at isang ‘unforgettable experience’ kung maituring ang naturang konsyerto.

Lalo pa aniya ay pinapahalagahan nito ang kabayanihan at mga sakripisyo na ginawa ng mga Pilipinong sundalo.

Kasama rin ni Liang sa nag-perform sa konsyerto sa palasyo sina Geneva Cruz at Arci Muñoz.

Si Liang ay reservist ng Philippine Army habang si Munoz at Cruz naman ay reservists ng Philippine Air Force.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter