NAKUHA ni Fil-Moroccan runner Yacine Guermali ang kauna-unahang gold medal mula sa 2024 ICTSI Philippine Athletic Championships nitong Mayo 8, 2024.
Sumali si Guermali sa men’s 5000 meters kung saan nakumpleto niya ito sa loob lang ng labing apat na minuto at labing siyam (18.83) na segundo.
Samantala, sumunod kay Guermali si Sonny Wagdos para sa silver medal at Noli Torre para sa bronze.
Ang nabanggit na event ang first ever stint ni Guermali sa bansa.