Filipino-American R&B singer na si H.E.R. pinili na gumanap bilang Belle

Filipino-American R&B singer na si H.E.R. pinili na gumanap bilang Belle

GAGANAP bilang Belle ng “Beauty and the Beast” ang Filipino-American R&B singer na si H.E.R.

Para ito sa paparating na animated at live-action hybrid 30th anniversary special ng naturang Disney classic.

Sa isang pahayag, sinabi ni H.E.R. na matagal na nitong gustong maging isang Disney Princess at lubos aniya siyang nagpapasalamat dahil sa pagkakataon na binigay sa kanya.

Hindi aniya siya makapaniwala na magiging bahagi ng legacy na ito kasabay ang selebrasyon ng 30th anniversary ng Disney classic.

Dagdag pa ng singer, proud din siya na maipakita sa buong mundo ang kanyang talento dahil kauna-unahang pagkakataon ito na isang Afro-Filipina ang gaganap bilang Disney Princess.

Follow SMNI NEWS in Twitter