Filipino-Canadian community sa Calgary, nagsagawa ng thanksgiving party para sa UniTeam

Filipino-Canadian community sa Calgary, nagsagawa ng thanksgiving party para sa UniTeam

NAGSAGAWA ng thanksgiving party ang Filipino community sa Calgary Alberta sa tagumpay ng UniTeam sa nagdaang eleksyon.

Isang matagumpay na pagtitipon sa Bowness Park Calgary Alberta ang pinaghandaan ng mga BBM/Sara supporters upang ipagdiwang ang landslide na pagkapanalo nina President-elect Bongbong Marcos at Vice President Inday Sara Duterte.

Ito ay isinagawa bago pormal na umupo bilang pangulo si President-elect Bongbong Marcos Jr.

“Dito po kami ngayon sa Bowness Park, dito po sa Calgary. Kasalukuyan po, ginanap po namin ang victory party po ng ating mahal na Pangulo Ferdinand Marcos at si Vice President Sara Duterte. Kami po lahat dito sa Calgary, kahit lahat po ng Pilipino, kahit anong klaseng kulay, mga pink, red, kami po ay nagkaisa na dito, sapagkat kami po ay naniniwala dahil tayo pong lahat na Pilipino, tayo pong lahat ay kailangan nating suportahan ang ating mahal na pangulo at bise presidente,” ayon kay Rex Manuel, President ng Partido Federal ng Filipino sa Alberta, Canada.

Umaasa ang mga ito na maipagpapatuloy ng tandem ang mga programa at adbokasiya ni Pangulong Duterte na ipinangako rin nito sa pangangampanya at malawakang suporta lalo na sa mga OFW.

“Ang nakikita ko po yung nasasabi nya na mag-create ng madaming trabaho, na sa ganun ang mga OFW natin sa iba’t ibang bansa, yung nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya, magcre-create ng madaming trabaho ng sa ganun ay ang ating mga OFW ay may iniintay na trabaho sa Pilipinas ay makauwi na sila upang makapiling ang kanilang mga pamilya,” saad naman ni Freddie Daluyon, BBM/Sara supporter.

“Dapat yan tuloy-tuloy kasi when it comes to war san tayo sasandal sa Armed Forces natin, kaya bigyan natin ng suporta, ituloy ni Presidente BBM yung mga programa ni Presidente Duterte yung modernization ng Armed Forces, kailangan talaga natin yun,” wika ng isang former military sa Pilipinas.

“Sana po ang aming panawagan po dito ay number 1 pong problema dito ay ang pagrenew ng passport sa Consulate po at tsaka po sana po mas dumami pang outlet ng Consulate dito sa Canada kasi so far ngayon meron lang tatlo ata. Napakalaki po ang Canada kaya sana po ay mabigyan ng pansin ito,” dagdag ni Rex Manuel.

Lubos din ang pasasalamat ng BBM Sara supporters sa SMNI sa paghahatid ng tunay at makabuluhang balita lalo na sa panahon ng halalan 2022 at kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

“SMNI, thank you very much po, talaga pong totoong- totoo po kayo. Nagbabalita po talaga kayo ng totoo kaya po kami ay nagpapasalamat mula po ng simula ng campaign ng ating mahal na Pangulo ay nandyan po kayo. Number 1 po kayo dito sa Calgary po, lalong-lalo na po dito sa Calgary. SMNI, Mabuhay po kayong lahat!” pagpapasalamat ni Rex Manuel sa SMNI.

“Ang message ko sa SMNI, lalong-lalo na kay Pastor Quiboloy, congratulations at maraming salamat. Nagpapasalamat ang mga sambayanang Pilipino dahil ang SMNI lang po ang tunay at hindi bias na media, kaya maraming-maraming salamat po Pastor Quiboloy, Mabuhay po ang SMNI,” mensahe naman ni Freddie Daluyon BBM Sara supporter.

“Maraming salamat SMNI, sa inyong pagtangkilik at patuloy na pagsuporta sa ating gobyerno na BBM-Sara, hope and pray na makasama po namin kayo sa darating pang panahon, mula nung umpisa naging kabahagi ang SMNI. Maraming salamat sa  ating Chairman Pastor Quiboloy, maraming salamat sa inyo, Mabuhay ang SMNI!” saad naman ni Ronniel Navarro-Governor General/Head Department ng Calgary Alberta.

“Nagpapasalamat kaming mga Pilipino dahil nanjan si Pastor na nasa panig ng kabutihan at sa katotohanan, at maganda itong ginawa ninyo na merong TV station na si Pastor, pwede mo na siya mapanood sa Youtube, pati sa bagong channel nya ngayon. At maganda ang ginagawa nya sa pagpapalabas nya ng katotohanan na nangyayari sa gobyerno, at yung soporta nya sa tamang gawain ng ating mga lider. Kaya salamat kay Pastor, meron itong nag-iisang stasyon ninyo na nagbibigay ng katotohanan sa Pilipinas, nagbibigay ng tamang impormasyon sa pagbabalita tungkol sa ating bayan. Kaya maraming salamat po Pastor Quiboloy, mabuhay po kayo!” ayon din sa isang former military sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter