Filipino seafarers na gustong maglayag sa Red Sea at Gulf of Aden, marami pa rin—DMW

Filipino seafarers na gustong maglayag sa Red Sea at Gulf of Aden, marami pa rin—DMW

DINOBLENG suweldo ang dahilan kung bakit marami pa rin mga Filipino seafarer ang pumapayag na maglayag sa mga mapanganib na karagatan gaya ng Red Sea at Gulf of Aden.

Paliwanag ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ito’y sa kabila ng pagkilala ng mga Pilipinong marino sa global seafaring tradition.

Kaya hanggang ngayon 78 lamang sa mga Filipino seaman ang nagpahayag ng pagtanggi na lumayag sa delikadong karagatan.

“Marami pa rin, one reason could be iyong hazard rates, double ang suweldo. But we are really not considering itong mga hazard rates as a foremost policy approach dito, kasi iyong suweldo, pumapangalawa lang iyan sa kanilang proteksiyon. But that could be one reason,” ayon kay Sec. Hans Leo Cacdac, DMW.

Giit ni Cacdac, dapat sa naturang pagkilala ay may sapat na proteksiyon at maritime security escorts ang mga marinong Pinoy.

“At sinasabi natin na, sige, kinikilala iyan, pero dapat mayroong proteksiyon, mayroong maritime security escorts, mayroong armed guards, mayroong risk and threat assessments muna bago isumite sa atin,” dagdag nito.

Matatandaan na nauna nang inanunsiyo ni DMW Chief ang gagawin nilang paghihigpit sa mga shipping company para sa Pinoy seafafers na sumampa ng barko na nasangkot sa pag-atake ng Houthi rebels.

Partikular ang shipping companies na nagmamay-ari sa Galaxy Leader, True Confidence at MV Tutor dahil patuloy pa rin ang pagdaan ng mga ito kahit alam nilang mapanganib ang Red Sea at Gulf of Aden.

Oobligahin din ng DMW ang mga principal at ship owners na maglatag ng security measures bago sila makapag-hire ng Pinoy crew.

Kabilang dito ang pagtatalaga ng maritime security escorts sa mga barko.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble