SANG-AYON si Finance Sec. Benjamin Diokno na ihinto ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Aniya, magkakaroon lang ng pangit na imahe ang Pilipinas dahil pinapayagan itong mag-operate sa bansa.
Mapagtanto pa aniya ng iba na hindi strikto ang Pilipinas sa mga batas.
Sa Cambodia at mismong China ay wala na itong operasyon.
Samantala, sa revenue collection ay bumaba naman ng 46% ang nakukuha mula sa POGO.
Mula sa P7.18-B noong 2020 ay naging P3.9-B na lang ito noong 2021.
Dahil sa sang-ayon si Diokno na ihinto ang operasyon nito sa bansa ay sinabi na rin ng mga senador na posibleng walang gaanong naidudulot na financial benefits ang POGO.
Ang suhestiyong pagpapasara ng POGO ay kasunod sa umano’—–y kidnapping cases na may kinalaman sa POGO workers.