NALAGPASAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang target na tax collection nito para sa buwan ng Agosto.
Sa isang pahayag, sinabi ng BIR na nakakolekta ang ahensya ng P228.938 billion (net of tax refund), mas mataas kumpara sa target na P219.172 billion para sa nasabing buwan.
Kumpara sa Agosto 2021, ang koleksyon nitong buwan ng Agosto ay mas mataas ng 23.03 percent.
Ayon sa BIR, ang pinagsama-samang koleksyon ng BIR mula Enero-Agosto ay umabot sa P1.559 trillion, mas mataas ng 12.25% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sinabi ng mga economic manager na ang pag-digitize ng koleksyon at iba pang government processes ay makatutulong sa pagpabubuti ng koleksyon na maaaring magpalakas ng mga pondo upang suportahan ang social projects at infrastructure developments at iba pa.