Food security ng bansa palalakasin; Development plan ikakasa ng Pilipinas at Czech Republic

Food security ng bansa palalakasin; Development plan ikakasa ng Pilipinas at Czech Republic

PALALAKASIN pa ng Pilipinas at Czech Republic sa pamamagitan ng isang development plan ang food security at iba pang sektor.

Sa ginawang pagpapupulong kasama sina Prague Chargé d’Affaires Indhira Bañares at Deputy Speaker Jan Skopeček ng Chamber of Deputies ng Parliament of the Czech Republic, pinagpaplanuhan ng dalawang bansa ang pagbisita ng economic committee ng Czech Republic sa bansa.

Magiging pokus ng pagpupulong ang patungkol sa pagpapalawak ekonomiya, agrikultura at teknolohiya.

Gaya ng pagkakaroon ng agri-mechanization, biotech research, at pagpapatayo ng mga modernong agricultural infrastructure sa buong bansa.

Ito ay sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 ng administrasyong Marcos upang masiguro ang food security ng bansa.

 

Follow SMNI News on Twitter