INIHAYAG ni Tony Fernandes, ang CEO ng Capital A na prayoridad nitong magkaroon ng direct connectivity ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa bansang Asya.
Aniya, bukod sa direct flights sa pagitan ng mga bansa na nasa Asya patungo sa mga siyudad sa Pilipinas, target niya rin bigyan ng murang pasahe ang mga Filipino worker.
Para sa kanya, mahalaga na tiyakin ang kapakanan ng mga OFW sa kanilang paglalakbay sa mga bansa na nasa Asya.
Aniya, hindi nito nais makita na hindi nakakauwi sa Pilipinas ang mga OFW ng 2 taon para makapiling ang kanilang mga pamilya.
Samantala, inihayag naman ni Fernandes na 100% na susuportahn nito ang planong modernisasyon ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. sa aviation sector ng bansa.
Samantala, sa patuloy na pagluwag ng travel restriction sa bansa, inihayag ni AirAsia Philippines CEO Ricky Isla na hindi naman sila nababahala sa panibagong umuusbong na Omicron variant dahil sa patuloy na pinapatupad nito ang health and safety protocols ng airline. Tony Fernandes
