Former Miss USA 2019, nasawi matapos mag-suicide

NASAWI si Cheslie Kryst ang 2019 winner ng Miss USA pageant at isang correspondent ng entertainment news program na “Extra”.

Ayon sa report ng New York Police Distric (NYPD), posibleng nag-suicide si Kryst na tumalon mula sa 29th floor ng Orion condominium building sa Theater district ng Manhattan.

Huli itong nakita sa 29th floor ng gusali na kanyang tinutuluyan, bago ang kanyang pagkasawi ay tila may mga premonitions na ito kung saan nag-iwan sya ng sulat na nagsasabing ang lahat ng kaniyang gamit ay ibibigay sa kaniyang ina at ang huling post nito sa social media na may caption “may this day bring you rest and peace”.

Hind pa nakukumpirma ang sanhi ng pagkamatay ni Cheslie Kryst, ayon sa mga medical examiner ay agad nilang ilalabas ang resulta ng autopsy.

Ipinagluluksa naman ng Miss Universe at Miss USA organizations ang biglaang pagkasawi ni Cheslie.

Naging miyembro siya ng selection committee sa nagdaang Miss Universe pageant na ginanap sa Eliat Israel na kinabibilangan din ni Marian Rivera.

Si Kryst ay nanalo sa Miss USA pageant noong may 2019 at sumabak sa Miss Universe pageant noong taong iyon,  bukod dito isa rin syang dating Division athlete at North Carolina attorney.

SMNI NEWS