FPRRD at Pastor ACQ, nag-motorbike sa Davao City Coastal Bypass Road

FPRRD at Pastor ACQ, nag-motorbike sa Davao City Coastal Bypass Road

MASAYANG naglibot ang matalik na magkaibigan na sina Pastor Apollo C. Quiboloy at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Davao City nitong weekend kung saan sabay silang nag-motorbike sa Coastal Road ng Davao City na umaabot ng 7.8 kilometers mula Tulip Drive hanggang Bago Aplaya.

Kasabay nina Pastor Apollo at dating Pangulong Duterte sa motorcade ay sina former Executive Secretary Atty. Salvador Medialdea at Atty. Garrison Giali, Litigation Paralegal mula sa California USA.

Nakilahok din ang ibang Davao-based aficionados sa motorcycle group.

Matapos pasayahin ang ilang tagasuporta sa mga selfie sa isang stopover, ang motorbike convoy ay tumungo na sa Davao City Coastal Bypass Road Project.

Ito ay isa sa mga pangunahing proyekto sa ilalim ng infrastructure modernization sa Davao City na magbibigay-suporta sa urban infrastructure development plan ng lungsod.

Huli namang nagtungo ang grupo sa bahay ni dating Pangulong Duterte kung saan nag-usap sila tungkol sa mga napapanahong isyu ngayon sa mundo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter