BINATI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang kaniyang predecessor na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagdiriwang ng kaniyang ika-78 kaarawan.
Sa isang video message, sinabi ni Pangulong Marcos na isang karangalan na magpaabot ng pagbati kay FPRRD.
Dagdag pa ni Pangulong Marcos, lubos nitong ikinagalak na maipagpatuloy ang mga naumpisahang programa at proyekto ni dating Pangulong Duterte.
“What a pleasure for me to wish happy birthday to ating predecessor, PRRD. Happy birthday to you, Mr. President. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kung minsan ay noong president ka napapamura ka. Now I know why. Pero huwag niyong inaalala lahat ng magandang sinimulan ninyo, we will continue to work on it. We will continue to make sure that those projects that you started will be successful and I am glad that I am able to continue the good work that you started,” mensahe ni Pangulong Marcos.
Hiniling naman ni Pangulong Marcos ang kaligayahan sa araw ng selebrasyon ng kaarawan ni dating Pangulong Duterte.
“And so… I don’t know kung makapag-relax ka because after a lifetime of work, I don’t know if you still know how to take it easy but if you got the chance, please have a good celebration. Happy, Happy birthday PRRD!” dagdag na pagbati ni Pangulong Marcos.