FPRRD, ‘di imbitado sa drug war investigation ng Kamara

FPRRD, ‘di imbitado sa drug war investigation ng Kamara

HINDI imbitado si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa gagawing imbestigasyon ng Kamara hinggil sa umano’y extrajudicial killings na nangyari sa drug war campaign nito.

Hindi rin inimbitahan ang noo’y Philippine National Police chief at ngayoy Senador Bato dela Rosa ngunit ang sumunod nitong hepe na si Oscar Albayalde ay ipinatawag.

Sa pahayag ng House Committee on Human Rights, “out of courtesy” kung bakit hindi na nila ipinatawag si FPRRD at Dela Rosa.

Sa tingin din anila ay hindi naman dadalo ang dalawa sa gagawing imbestigasyon.

Gagawin ang unang House hearing sa drug war campaign ngayong Mayo 22.

 

Follow SMNI News on Rumble