GAGAWA ng sariling political party si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ito ang inihayag ng dating presidente sa isinagawang press conference sa Davao City nitong Martes ng gabi, Enero 30.
Ayon kay Duterte, pangungunahan ito ni dating Speaker of the House at ngayon ay Davao del Norte First District Rep. Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez.
At ang mga may prinsipyong politiko lang aniya ang kanilang tatanggapin sa partido.