BINANGGIT ni dating Communications Undersecretary Dr. Lorraine Badoy sa isang prayer rally na si FPRRD ang pinakamamahal na naging Pangulo ng bansa.
Ayon kay Badoy, hindi “deserve” ng dating Pangulo na ma-detain sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Mas nararapat pa aniya na nakakulong ang mga miyembro ng CPP-NPA-NDF, mga magnanakaw sa kaban ng bayan, at iba pa.
Si FPRRD ay dinala sa Netherlands upang harapin ang reklamo laban sa kanya na may kinalaman sa umano’y malawakang patayan sa ilalim ng war on drugs campaign mula 2016 hanggang 2022.
Gayunpaman, ipinakita sa mga ulat na mas maliit na bilang ng mga biktima ang napatay sa operasyon ng Davao Death Squad (DDS) kumpara sa mga iniulat na biktima ng mainstream media.
Follow SMNI News on Rumble