FPRRD sa U.S: Kung matagumpay kayo, nasaan na ang Ukraine sa mapa ngayon?

FPRRD sa U.S: Kung matagumpay kayo, nasaan na ang Ukraine sa mapa ngayon?

KINUWESTIYON ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang papel ng Estados Unidos sa mga nagdaang sigalot na pumutok sa iba’t ibang bansa katulad ng Ukraine.

Sinabi rin ng dating Pangulo na ang Estados Unidos ang nagtulak sa presidente ng Ukraine na lumaban sa Russia, na naging dahilan din ng pagkawasak ng silangang bahagi nito.

“If you were in Ukraine long before the war, sabihin mo you were successful? O tanungin kita, that you ensure these supply lines, but before that, tanungin ko ‘yung America, where is Ukraine now? Tell me, nasaan ang Ukraine? There’s no Ukraine to talk over about, why? It’s leveled to the ground,” ayon kay dating Pangulong Duterte.

Sa pinakabagong episode ng “Gikan sa Masa, Para sa Masa” kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, hinamon ni dating Pangulong Duterte ang Estados Unidos na sagutin siya kung naging matagumpay nga ba ang mga Amerikano sa pagsuporta nito sa Ukraine sa pakikipaglaban nito sa Russia.

“Kung successful kayo, tignan mo, tell me with just one sentence, where’s Ukraine now in the map of the world and is there any building there down the Eastern front na nakatindig?” tanong ng dating Pangulo.

Estados Unidos, tinulak si Zelenskyy na makipag-giyera vs Russia—FPRRD

Ayon sa dating Pangulo, itinulak ng Estados Unidos si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na lumaban sa Russia.

Ginamit din aniya ng Amerika ang Kyiv para mas makalapit pa sa Russia ngunit libu-libong buhay ang nasawi dahil dito.

“And you say that you’ve helped? You egged itong si Zelenskyy and the others, you’re the ones who are pushing him because you want your bases extended as near as you can get in the border between Ukraine and Russia which is just a thin line, a thread, to divide the territory.”

“Kaya nag-away ‘yan because not so much about your effort making an effort to make its defenses able and competent. You did not succeed. Look at- ang supplies, at whose expense? At whose sacrifice and who is sacrificing now?” ani Duterte.

FPPRD: Obligasyon ba ng U.S. na gamitin ang isang bansa para makigyera sa iba?

Kinuwestiyon din ni Duterte ang tunay na pakay ng Amerika at ang kanilang papel sa mga naganap na armed conflict sa iba’t ibang bahagi ng mundo, partikular na ang trahedya na nangyari noong Vietnam War, ang pag-abandona ng Amerika sa Afghanistan, ang kasalukuyang pakikipagtunggali nito sa China, at ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 “And you were there, you say that to help that at one time you were there to ensure that they can fight the Russians? Is that your purpose? To prepare a phrase for a war vs another nation?” tanong ni Duterte.

Matatandaang inabandona ng Estados Unidos ang Afghanistan sa kamay ng mga Taliban noong 2021, naihambing ni Duterte ang mga kaganapang ito sa American-Vietnamese War noong 1975.

At ngayon, kasalukuyang ibinubuhos ng Estados Unidos ang kanilang suporta sa Ukraine simula nang sumiklab ang sigalot noong Pebrero 2022, at ang silangang bahagi ng bansa ay isa na ngayong battleground sa pagitan ng puwersa ng Kyiv at Moscow.

“Marami kayong payabang na salita, big words, puro naman kayo talo.”

“You were in Vietnam, what did you do? Or what happened? Nagretreat kayo pati mga armaments or weaponry ano ginawa niyo? Binigay niyo sa kabila?”

“Sa Afghanistan, pag-alis ninyo, nandoon na ‘yung mga eroplano ‘yung mga tao nakakapit pa sa pakpak…” ani Duterte.

“Anjan ang China ngayon hindi niyo natalo. Kung sikat kayo bakit nanalo ang North Vietnamese over the South. Kung tigas kayo sa Afghanistan bakit na overrun,” dagdag ni Duterte.

Matatandaang, sa isang 2021 report China Society for Human Rights Studies, simula noong 1945 hanggang 2001, nagkaroon ng 248 na armed conflicts sa 153 na rehiyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo, at 201 dito ay pinasimulan ng Estados Unidos.

“You tend to exaggerate because you are this, you are that. You have to come to terms with the reality, Mr. America, I’m not trying to insult you pero magpakatotoo ka. ‘Wag mo kaming bolahin,” ani Duterte.

Kinuwestiyon din ni Duterte kung bakit patuloy ring ipinagmamayabang ng Amerika ang kanilang lakas-militar, patuloy na pag-aamok sa kabila ng maraming beses na pagkatalo.

“The around the world would be a fire because you are there. Why don’t you just live doon sa inyo..content yourself..be content of what you have achieved as a nation,” aniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter