SINAGOT ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kaugnay sa umano’y abusong nangyari sa panahon ng drug war campaign ng Duterte administration.
Sa bagong episode ng “Gikan sa Masa Para sa Masa” kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, inihayag ni dating Pangulong Duterte na naniniwala siyang walang intensiyon si Pangulong Marcos na bumatikos sa kaniyang administrasyon noon kaugnay sa drug war.
Matatandaan, sa isang forum sa Estados Unidos, ay inamin ni Pangulong Marcos na may ilang elemento sa gobyerno na nagdulot ng pagkabahala sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.
Ngunit nilinaw ni Duterte na kahit na may mga naging kasamang “collateral damage” sa mga operasyon ng pulisya sa drug, hindi ito sinadya.
“Tama siya na along the way in the enforcement of the law, a rigid attitude towards the enforcement of the law, abuses will be committed. Ngayon, sasabihin ko, I’ll go further, not only abuses, sometimes killings unnecessarily. Along the way, collateral damage, marami ‘yan. But those were never intended, I am sure, by the law enforcement agency,” pag-amin ni dating Pangulong Duterte.
Sinabi naman ni Duterte ang realidad na hinaharap ng mga law enforcer na nakikipaglaban sa mga kriminal sa panahon ng operasyon.
‘Collateral damage’ sa drug war, hindi sinadya – Duterte
“How do you enforce the law kung hindi mo pwedeng kurutin, matakot ka na masaktan dito (sa mukha) kasi magkakaroon ka ng kaso, so, what’s the point in empowering somebody if you do not give him enough leeway? Because, abogado tayo, the obligation of the police in dealing with criminals is when you are violating a law, ang police would go to you and arrest you; and if you resist the arrest, the police will have to overcome the resistance and drag you to the police station, either hatakin ka ng buhay o patay. ‘Yan ang problema na hindi nakikita ng publiko,” dagdag ni FPRRD.
Duterte sa drug war ops: Kahit mga pulis ay natatakot din
Binigyang-diin din ng pangulo na kahit ang mga pulis ay humaharap din sa takot habang nagsisigasig na gampanan ang kanilang tungkulin.
“You know, the police, ganu’n lang ‘yan, they appear to be really smart (and) alert, but they are deathly afraid especially itong mga patrolman lang. Because, in the course of their performance of duty, mag-countercharge using it as a leverage against (the police), ‘yung lasing, para hindi siya makasuhan (for) resisting arrest or direct assault kung lumalaban talaga sa pulis, mag-file siya ng serious physical injuries, ang problema kasi sa pulis, ‘pag mai-file ang kaso sa court on that day, the food in their table disappears,” ayon pa sa dating pangulo.
Liderato ng PNP, dahilan kung bakit may korapsiyon sa ahensya – Duterte
Sa kabilang banda, ipinakita rin ni Duterte na may malawakang katiwalian sa Philippine National Police, kung saan sangkot umano ang ilang opisyal sa ilegal na droga.
Sa ganitong sitwasyon, binigyang-diin ni Duterte ang kahalagahan ng malakas na pamumuno sa hanay ng pulisya ng bansa upang maipatupad nila nang epektibo ang kanilang tungkulin nang walang katiwalian.
“How do you solve now the problem? Tell me kung sinong magaling na police officer diyan who can solve the problem. Kakaunti lang ‘yun. Kalahati nito, not even half of it or ¼ of it was mixed, ‘tong monggo tapos bigas, kasi ang iba (ay) Ilokano, kaya bigas kasi pati Muslim, Igorot, how do you solve the problem (of the PNP)? Hindi mo ma-solve talaga (as) organization. You have to have to plant leadership. ‘Pag hindi corrupt itong (leader), matino ito hindi gago, baka sasali,” aniya.
Samantala, matatandaang sinabi naman ni Pangulong Marcos sa isang forum sa Estados Unidos na iniimbestigahan na ang mga pulis na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga.
Aniya, pinagbibitiw na ang lahat ng mga sangkot na pulis, at nakatanggap na siya ng 917 na resignation mula sa mga pulis na nasa antas ng kolonel pataas.