South Korean drama na “Doctor Cha”, kinilatis ng mga may sakit na Crohn’s disease

South Korean drama na “Doctor Cha”, kinilatis ng mga may sakit na Crohn’s disease

KINILATIS ngayon ang South Korean drama na “Doctor Cha” dahil sa maling pagrepresenta sa Crohn’s disease.

Sa ika-7 episode ng drama, ipinakilala ang isang pasyente na may ganitong sakit.

Sinabi ng mga kapamilya ng pasyente nang madiskubre ang Crohn’s disease na isa itong kakila-kilabot na uri ng sakit at dagdag pa nila na ito’y namamana.

Kasunod nito, nang mai-ere na ang episode ay sinabi ng mga pasyente ng Crohn’s disease sa totoong buhay ay hindi tamang sabihin na kakila-kilabot o namamana ang nabanggit na sakit.

Hindi anila tama ang pagsasalarawan ng Crohn’s disease at negatibo ang dulot sa totoong may sakit nito.

Pinagbidahan ng singer at actress na si Uhm Jung-hwa ang “Doctor Cha”.

Sumisentro ang kuwento kung saan si Jung Hwa ay gumaganap bilang isang ‘maybahay’ na bumalik sa kaniyang karerang medikal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter