Gab Valenciano, nagtamo ng minor injuries dahil sa motorcycle accident

Gab Valenciano, nagtamo ng minor injuries dahil sa motorcycle accident

NAGTAMO ng minor injuries at kasalukuyang nasa ospital ang singer na si Gab Valenciano dahil sa isang motorcycle accident sa California, USA.

Sa kaniyang official social media post, sinabi ni Gab na ito ang kaniyang kauna-unahang aksidente na nangyari sa kalsada sa kaniya matapos ang halos 2 dekadang pagmo-motor.

Isinalaysay rin nito ang nangyari kung saan nabangga ito ng isang SUV na may takbong 75mph, mabuti na lang aniya na naka-full gear ito.

Sa huli, nagpasalamat naman si Gab sa lahat ng mga driver na tumulong sa kaniya upang madala sa ospital.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter