INILABAS na ang seat map at ticket prices para sa nalalapit na Fan Meet ng Actress na Si Kim Ji Won.
Batay sa Pulp Live World, magsisimula ng 3, 500 pesos hanggang 10, 500 pesos ang ticket prices para dito.
Ang pre-sale ng tickets para sa Union Bank credit at debit cardholders ay sa July 20 habang ang general sale ay sa July 21.
Gaganapin ang “Be My One” tour ni Jiwon ngayong August 3 sa New Frontier Theater.
Si Ji Won ay gumanap bilang Hong Hae-In sa Hit Romance Series na “Queen of Tears” kasama ang aktor na si Kim Soo-Hyun na gumanap bilang Baek Hyun-Woo.