Gen. Bantag, nagsalita na

Gen. Bantag, nagsalita na

SUSPENDED BuCor chief Gerald Bantag, binasag na ang katahimikan.

Ito’y kasunod na rin ng mga alegasyon laban sa kanya na umano’y utak sa pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid at ang umano’y middleman ng krimen.

Eksklusibong nakapanayam ng SMNI News si suspended BuCor Chief Gerald Bantag.

Dito ay inihayag niya ang kanyang panig kaugnay sa ipinupukol sa kanya na akusasyon hinggil sa pagkamatay ni Percy Lapid.

Marami rin itong inilahad laban kay Justice Sec. Boying Remulla.

Nobyembre 9 taong kasalukuyan nang sinabi ni Justice Sec. Boying Remulla na galit na galit di umano si Bantag sa mga akusasyon ng pinaslang radio broadcaster na si Percy Lapid.

Ani Remulla ang pagpuna ni Percy Lapid sa mga ari-arian di umano ni Bantag ang dahilan ng kaniyang galit sa pinaslang na brodkaster.

Mariing pinasinungalingan ito ni Bantag sa eksklusibong panayam ng SMNI kasabay ang pagpapakita ng pruweba nito.

Dagdag pa ni Bantag, walang kwenta raw ang mga paratang sa video ni Percy Lapid dahil wala aniya itong katotohanan.

Isa pa sa ibinunyag ni Bantag ay ang pag paparelease daw ni Sec. Remulla sa mga big time drug lord na nasa ilalim ng Witness Protection Program.

Dagdag pa ni Bantag, noon pang August ay ipinapaalam na niya na magkaroon ng pormal sa resignation sa kaniyang pwesto dahil sa mga naririnig niya na papalitan siya ng kasalukuyang OIC ng BuCor na si Catapang.

Patungkol naman sa kaniyang naunang binitawang salita sa paglaban kontra gobyerno ay kaniya itong nilinaw.

Aniya, hindi siya kalaban ng gobyerno bagkus ang mga sindikato sa loob ng gobyerno.

 

Follow SMNI News on Twitter