KINUMPIRMA ni German Defence Minister Christine Lambrecht sa isang pahayag na magpapadala ng pangmalakasang armas ang Germany sa Ukraine.
Ito’y upang tulungan ang Ukraine laban sa panggigipit ng Russia.
Ipapadala nito ang mga Gepard tanks na naglalaman ng anti-aircraft guns mula sa kumpanyang KMW.
Kaugnay dito ay nagpahayag naman ng pagsuporta si U.S. Secretary of Defence Lloyd Austin sa desisyong ito ng Germany.
Sa ngayon, ito pa lang ang unang pagkakataon na magbibigay ng suportang pandigma ang Germany sa Ukraine.